Hindi ko alam kung ano nagawa ko na MALI para sakanya. Basta ang alam ko, sa lahat ng ginagawa ko wala ako dapat nagiging pagsisisi.
Ilang ulit ko na sinabi na masayahin akong tao, ayoko na malungkot ako sa isang masayang company ng mga kaibigan. Nakakabadtrip kasi pag masaya ka tas yung kasama mo sisirain mood mo. Diba? :p
Madaming pagkakataon ay tinatanong ko kung ano ang problema ng isang tao, sabihin man nilang manhid ako o walang kwenta ay may pake ako. Siguro, hindi lang nila napapansin yung way ng pag-aalala ko. Baka minsan kasi feeling nila wala akong pake kasi pabiro pa ako magtanong.. yung tipong “ang taray mo nanaman, meron ka ba? ano problema?” hindi ba effective sa ibang tao yan? Ang panget kasi pag feel mo may problema yung tao tas yung way ng pagtatanong mo pa sakanya eh yung tipong “oh, ano nangyari? *simangot*”… ewan, sarisariling trip lang yan. Haaay.
Kung may naging pagkukulang man ako sakanya ay ewan ko na kung ano yun. Attention ba? halos palagi ko siyang gusto kasama at sinusubukan kausapin pero ano magagawa ko kung ayaw saakin nung tao? Anong magagawa ko kung sawa na saakin yung tao? Anong magagawa ko kung galit saakin yung tao? Anong magagawa ko? Ha? (mamimilosopo ka pa eh.. keep it to yourself. Haha.)
Selos… hindi lang naman iisang tao ang nakakaramdam nito marahil ay syempre ako din :) pero! Alam ko na hindi lang ako ang may karapatan ng attention niya, hindi lang ako ang tanging tao sa buhay niya, hindi lang ako ang tanging kaibigan niya. Pepepeperrooo… siya lang ang kaibigan na alam ko na nakasama ko ng mas matagal na panahon kahit kanino. Ewan ko nalang sakanya. :)) jokers ah.
Hmmm. Hindi ko talaga alam bakit biglang nagiging ganun yun, transformers eh. Marahil kulang pa ang pagiintindi ko o di ko siya magets o marahil ayaw niyang magets ko siya… gusto ko sanang sabihin na hindi ko isusuko yung mga naging pagsasama natin eh. Pero kung siya mismo ang may gusto ano pa magagawa ko?? Wowsers. :) treasure ko nalang :)) haha. Hindi, ayoko ng ganun. Syempre naiisip ko, ilang months nalang kami magiging magkasama sa iisang paaralan.bakit kailangan ng distansya? Bakit hindi nalang gawing masaya ang mga memorya na maaring gawin na magkakasama? Bakit di nalang lubusin ang oras na meron magkasama? Hindi ba’t mas masaya iyon?... :p diba? Diba? Hehehe.
Ano pa ba. haaay. Kung satingin mo ay hindi ko sineseryoso ang mga bagay-bagay ay nagkakamali ka. Kung satingin mo ay wala akong pake sa mga nangyayari sa mga tao ay nagkakamali ka. Kung satingin mo ay mukhang wala akong problema, nagkakamali ka. Alam mo naman yan eh, dapat alam mo yan. Kaibigan kita eh. Ano ba…wag ka ngang ganyan na parang wala tayong pinagsamahan. :)
As usual. :) di ako galit. Nag-aalala lang. andito lang ako kung may problema, alam niyo naman yun haha. Mahal ko mga kaibigan ko :) cheesy. Haha.