welcome


This is CicelyOriana's project give a way, please do not remove the credits, respect is a must don't ever rip my codes without my permission Thankyou. Please enjoy this simple codes from me, navigation on the left, (homeyouaffieme)
Toodles, LILY !







tagboard

ShoutMix chat widget



i read
----♥♥♥♥♥♥♥♥
lalaki.
Wednesday, January 14, 2009 @ 8:59:00 PM


Di ko maintidihan ngayon kung bakit ang sama ng pakiramdam ko… naiiyak ako.

bakit ba kailangan lagging ganto, sa hapag kainan magsisimula ang masayang diskusyon ngunit habang papatapos na ang lahat unti-unting nag-iinit ang usapan at nauuwi sa away at sigawan… parang nagsasabong tuwing ipagtatabi nalang ang dalawa. Tumayo ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko na matiis ang sa una ay nakaaliw na sagutan ay sa huli napaiyak na ako, hindi ko maintindihan… lagi nalang nasasagi sa usapan ang lalaking… masasabi kong may kasalanan ng lahat. Hindi ko kayang magalit sakanya pero ayoko talaga sakanya, lagi ko nalang siguro naiisip… kung hindi ka umalis marahil hindo ko/ naming nararanasan ang kahirapang ito… marahil hindi magiging boring ang pagkabata ko tulad nga ng sinabi ng taklesa kong kapatid na walang alam sakanyang mga sinasabi at di na alam na nakakasakit na pala siya.

Madalas ko naiisip, ano kaya magiging itsura naming kung andito ang lalaking iyon ngayon.

Nalulungkot ako isipin na hindi ko siya kayang lapitan ngayon, nahihiya ako sakanya, naiinis, naiirita, nagagalit… hindi ko alam kung mahal ko ba siya… hindi niya magampanan ng maayos ang kanyang mga responsabilidad. Dati sabi ko, naawa ako sakanya dahil nahihirapan siya sa kanyang buhay, suporta dito, suporta doon, punta dito, punta doon… pondo dito, bayarin doon… ngunit ng inisip ko ng mabuti, hindi ba’t mas kawawa kami?

Ako bilang isang anak na walang alam man lamang kung bakit ba natapos ang relasyon nila, ako bilang isang anak na naiingit sa mga bata dyan na may isang lalaking matangkad na masasabihan ng mumunting mga problema nila, ako bilang isang bata na gusto sanang maranasan ang kaligayan ng buhay na may isang lalaking tulad niya… ngunit nasaan siya? Nasaan ang lalaking ito na hinahanap ko… nasaan ang pagmamahal niya… tiala hinahanap ko ata. kaya siguro mahal na mahal ko mga kapatid kong lalaki, parang naging substitute sila? aywan ko.

Pucha naman oh. marahil iniisip mo na ang drama ko, marahil iniisip mo "lang hiya ang drama nito ever"... madrama na kung madrama, wala ka ng pake.

napaisip ako sa sinabi ng nanay ko "if it weren't of your attitude wala sana tayo dito" MALI. sobrang mali, dito nagsinula lahat... ang lumabas sinisisi niya ang kapatid ko kaya kami nasa kalagayan namin ngayon.. MALI lang talga.

iniisip ko ngayon, naiisip klaya nila yung magiging reaksyon ng bunso nila, iniisip kaya nila kung papano mag re-react ang bawat parte ng pamilya sa bawat salitang sasabihin nila... marahil hindi, lahat ng tao ay taklesa one way or another... TAKLESA.

okay tinatamad na ako bigla mag-isip, tapos na magrush ang ideas sa utak ko... pasyensya na sa mga sinabi ko.. thoughts lang. :] lovelots, //mia\\